May taas-sahod sa gobyerno sa 2019

MAY nakalaang P121.7 bilyon sa susunod na taon para sa pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr. may P51.7 bilyon na nakalaan para sa ikaapat at huling pagtataas para sa Salary Standardization Law IV ng mga civilian employees.

May P70 bilyon naman para sa ikalawang bahagi ng pagtataas sa sahod ng mga pulis, sundalo, jail officer, bumbero at coast guard.

Sa P3.575 trilyong budget para sa 2019, P.185 trilyon ang nasa ilalim ng personnel services o pambayad sa sahod at allowances ng mga taga gobyerno.

Kasama na dito ang pampasuweldo sa mga bagong empleyado– 10,000 guro, 10,000 pulis, 3,000 fire officer, 2,000 jail guard at iba pang posisyon, na kukunin sa susunod na taon.

“Isang dahilan ng pagdami ng bilang ng mga kawani ng gobyerno ay yung K-12 na program. Kailangan mag-hire ng dagdag na teachers. In fact, meron pa ngang 105,000 vacant teaching positions na inutos ni Pangulong Duterte na dapat mapunuan agad,” ani Andaya.

Read more...