Bela Padilla, JC Santos umaming may ‘pinakasalan’ na

HINDI papayag si Bela Padilla na hindi siya kasama ng kanyang boyfriend during Valentine’s Day.

“Oo naman. Requirement ko talaga na Valentine’s Day. Parang hindi ka proud na isama sa Valentine’s Day. Pag nagkadyowa ako in real life, requirement ‘yun, dapat magkita kami ng Valentine’s Day,” say ni Bela sa presscon ng “The Day After Valentine’s” na isa sa official entries sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2018. Leading man niya rito uli si JC Santos.

Malayo pang mangyari ang ganoong senaryo as, “Parang sa dami ng trabaho matagal pa ‘yun. Wala pa rin (akong boyfriend). Paulit-ulit nga naming sagot (ni JC), pinakasalan na namin ang trabaho namin. Eto na, showbiz na ang dyowa ko.”

Napaso na ba siya sa pag-ibig? “Hindi naman, priority lang namin ang aming trabaho,” she said, noting that she enjoys working with his leading man sa movie na si JC Santos.

“Ang sarap nga niyang kasama ngayon, eh. Kasi last year nagkakahiyaan pa kami, ngayon chika galore na kami,” she added.

Read more...