Winner: Probinsyano, YFSF Kids, Bagani, TV Patrol, MMK hindi matinag sa Top 5

ABS-CBN pa rin ang nangungunang TV network sa bansa pagdating sa paghahatid ng makabuluhang balita at kwentong puno ng aral matapos nitong magkamit ng average audience share na 44%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Nanguna sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila, kung saan nakakuha ang Kapamilya network ng average audience share na 42%. Tinutukan din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39%; sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 51%; at sa Total Mindanao na nagkamit ng 53%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Namayagpag pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (42.8%) ni Coco Martin noong Hulyo, na sinundan ng Your Face Sounds Familiar Kids (32.8%) hosted by Billy Crawford.

Pasok pa rin sa top 10 most watched sa bansa ang TV Patrol nina Noli de Castro, Ted Failon at Bernadette Sembrano (30.7%), Bagani (29.3%) nina Liza Soberano at Enrique Gil, Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos (28.6%), Wansapanataym (25.2%), Home Sweetie Home (23.5%) at Rated K (20.4%) ni Korina Sanchez.

Samantala, ABS-CBN din ang pinakatinutukang network sa iba’t ibang time blocks, partikular na sa primetime, kung saan nagkamit ito ng average audience share na 47%.

Panalo rin ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 39%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 43%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagkamit nito ng 42%.

q q q

Mga teleserye at reality show na sumasalamin sa kwento ng mga Pinoy ang dapat na abangan ng mga manonood mula sa ABS-CBN ngayong taon, ayon sa “The Front Row Experience” trade event na ginanap kamakailan.

Bibigyan ng ABS-CBN ng pagkakataon ang mga gustong makamit ang kanilang mga pangarap sa Star Hunt, ang grand audition show na hahanap sa susunod na big Kapamilya star. Magbabalik-telebisyon naman ang pinakamatagumpay na reality series sa bansa, ang Pinoy Big Brother, habang isang orihinal na game show naman ang magbibigay sa mga bata ng kapangyarihan bilang mga hurado sa The Kid’s Choice.

Nandiyan ang mga bagong Kapamilya series na Halik na magsisimula na sa Agosto 13 starring Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion.

Kaabang-abang din ang Ngayon At Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto, Playhouse nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, ang pagbabalik ng Teleserye Queen sa TV na si Judy Ann Santos-Agoncillo para sa seryeng Starla, at ang bagong version ng Meteor Garden na mapapanood na simula sa Agosto 20.

Read more...