BILANG pasasalamat sa mga sumuporta sa kanilang kampanya sa katatapos na Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference, ay naghandong ng fans day ang BanKo Perlas Spikers Biernes ng hapon sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Kasabay nito ay inanunsyo din ni BanKo president Jerome Minglana na maglilibot ang Perlas Spikers sa iba-ibang bahagi ng bansa para magsagawa ng volleyball clinic na magsisimula sa Agosto 18 sa Cubao kung saan inaasahang lalahok ang mga anak ng mga vendors, stall owners at iba pang self-employed micro-entrepreneur.
Pagkatapos nito ay dadayo ang koponan sa Iloilo, Bacolod, Butuan, Surigao, Agusan, Laoag at Vigan.
“BanKo chose to partner with the Perlas Spikers, because we share similar goals to support and accelerate the grassroots program—to engage them and help them grow to the next level,” dagdag pa ni Minglana.
Sinabi naman ni coach Ariel Dela Cruz na nakatakdang tumungo ang koponan sa Vin Lonh, Vietnam sa Oktubre para lumahok sa isang club tournament doon.
Kasalukuyan din nilang pinaghahandaan ang pagbubukas ng PVL Open Conference sa Setyembre kung saan tatangkain ng koponan na makuha ang kampeonato o di kaya ay pumasok man lang sa Finals.
“We were almost there, muntik na kaming makapasok sa finals,” sabi ni Dela Cruz patungkol sa kabiguan nila kontra Paymaya sa semis ng PVL Reinforced Conference.
“The skills and the talent are there for this team. Ang kulang na lang siguro na dapat i-improve ay yung tactics or tung technical side of the game.”
Photo caption: ANG BanKo Perlas Spikers, na nagtapos sa pangatlong puwesto sa katatapos na Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference, kasama sina coach Ariel Dela Cruz at BanKo president Jerome Minglana (dulong kanan) sa ginanap na fans day kahapon sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.