Lugmok sa hirap (2) | Bandera

Lugmok sa hirap (2)

- July 03, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Arsenia, ng Barangay Nabago, Valencia City
Problema:
1.      Ang sabi ng mga magulang ko, hindi na raw ako makapagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil lugmok na kami sa kahirapan.  Ang sabi nila, tumulong na lang daw ako sa bukid. First year college na sana ako at pangarap kong kumuha ng kursong Pharmacy.
2. Itatanong ko lang kung makapagpapatuloy pa kaya ako ng pag-aaral. Gusto kong magtapos sa kolehiyo para maiahon sa kahirapan ang aking pamilya. Matutupad kaya ang munting pangarap kong ito?
Umaasa,
Arsenia, ng Barangay Nabago, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing sa pamamagitan ng sarili mong kayod at pagsisikap makakatapos ka ng pag-aaral. Isang babaing isinilang sa zodiac sign na Taurus ang mag-alok sa iyo ng trabaho.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang babaing magbibigay sa iyo ng trabaho ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Siya ang makatutulong sa iyo para maging working student ka sa susunod na semester.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na maliit at medyo chinita ay nagsasabing isang lalaking medyo payat na matangkad ang iyong magiging boyfriend, at ang boyfriend mong ito, bukod sa pagiging working student mo ay matutulungan ka rin sa aspetong financial.
Color Test:
Upang mangyari ang lahat ng pag-aanalisang inilahad na sa itaas, may tutulong sa iyo upang makatapos ka ng kolehiyo, lagi kang magsuot ng kulay berde at powder blue. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.
Biorhythm Chart:
Ayon sa iyong Biorhythm Chart umangat ng husto ang graph ng Career at Pag-ibig sa taon 2017, kung saan sa nasabing panahon, makakatapos ka ng college at makalipas ang isang taon, makapag-aasaa ka ng isang professional. Sa nasabing pag-gradueyt sa college at pag-aasawa doon na rin magsisimulang umunlad ka at makabuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Huling payo at paalala:
Arsenia, nakahanda na ang susuungin mong kapalaran, kung saan, magiging working student ka, makakatapos ng college sa kursong Accountancy hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng professional na lalaki hanggang sa  magkaroon ng maunlad at  maligayang pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending