Alden, Maine may masarap na patikim sa AlDub Nation

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

SARAP na sarap ang AlDub Nation sa panonood at pagpapakalat sa social media ng bagong TV commercial nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Paulit-uit nilang pinanood ito dahil ayon nga sa tagline ng nasabing TV ad, “Ang sarap balik-balikan.”

At least, may patikim na ang mga namamahala sa career nina Alden at Meng ng muli nilang pagsasama sa screen kahit sa TV man lang.

Sa panahon ngayon na nagkakaagawan ng mga konsepto sa proyekto, nananatili pa ring lihim ang ilang detalye sa projects na kanilang pagsasamahan.

Pero lagi namang “it’s worth the wait” ang mga projects nina Maine and Alden together kaya be patient lang muna AlDub Narion dahil ayon nga sa kasabihan, patience is a virtue.

Read more...