CONCERN lang po ako na sana po ay magawan ng aksyon ang isang Computer shop na may mga kahina-hinalang pamamaraan ng pagpapasahod.
Nagtrabo po sa YTNET Corp. (Name ng Internet Cafe) ang pamangkin ko na pagmamay-ari ng isang Koreano.
Ang sahod po niya a day is P240 na 12 hours duty, tapos lagi pang delay ng dalawa hanggang tatlong araw ang sahod.
At pagnagkapenalty pa ang staff, mas malaki pa sa isang araw na duty ang kinakaltas. At pagsumasahod po sila ay may pinapipirmahan sa kanilang parang payment slip na blanko ang laman, pero hindi naman binibigay yung payment slip matapos makasahod.
Pag sinubukan naman daw nilang tanungin kung pwede makuha yung payment slip ay hindi ito pumapayag at nagagalit pa. Yun lang po at sana ay maimbestigahan o magawan ng paraan.
Concern lang din po ako sa mga ibang staff na wala nang magawa sa patakarang nilang yun. At kung pwede ba silang makasahod ng minimu? Baka po may itinatago ang mag-asawang nagmamay-ari ng Internet cafe.
Salamat po.!
REPLY: Para po sa inyong katanungan, please call DOLE Hotline 1349.
Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw. Tawag na po.
Department
of Labor
and Employment (DOLE)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.