CHARICE, ALYSSA QUIJANO baliw na baliw sa isa’t isa, magpapakasal sa AMERIKA

GAANO kaya katotoo kapatid na Ervin na masinsinan nang nag-usap ang magdyowang sina Charice at Alyssa Quijano tungkol sa plano nilang pagpapakasal sa USA very soon?

Dahil nasa tamang edad na nga naman sila, hindi imposibleng dalhin na nila sa next level ang kanilang relasyon, lalo pa’t marami ang nagsasabing tila mapusok at may pagka-experimental daw ang international singing sensation.

Nang lumabas nga kasi ang balita na legal na sa Amerika, partikular sa California, ang same sex marriage, mas lalo raw na-excite si Charice, ito rin ‘yung kasagsagan ng issue ng pag-amin niyang isa siyang tomboy.

Aminado kasi ang singer na dream din niyang magpakasal. Kaya aabangan natin ang narinig nating tsismis na sa pagbabalik daw nito ng USA ay isasama na si Alyssa.

Naku, panibagong dagok na namang tiyak iyan sa nanay at lola ni Charice na hanggang sa mga sandali palang ito ay hindi pa rin nakakausap ng sikat na singer!

Read more...