Galanteng lady politician sugar mommy ng dating atleta

BLIND item: “Bongga ka, ‘Day!”

Ito ang pabulong na reaksiyon ng maraming bureaucrats sa unkabogable drama ng isang lady politician. Itsura kasi ng azucarera de mama ang role niya na walang habas umano kung gastusan ang kanyang dyowa na dating atleta.

Tanders na pero nag-uumapaw pa rin daw ang machismo ng dyowa ng lady politician. No wonder, sky’s the limit kung maglabas siya ng kanyang datung dito. Patunay ang isang bonggang outing na inisponsoran ng lola at a private resort sa labas ng Maynila.

Batalyon ang isinama ng staff ng lady politician sa hapi-hapi na animo’y wala nang bukas.

Pero ang punchline du’n, ka-join din sa gimik ang magdyowa. ‘Yun nga lang, the couple opted to occupy an undisclosed room away from the prying eyes ng mga excursionists.

q q q

Personal: Nais ipabati ng kaibigang Makateno na si Jay Orencia ng advanced happy birthday ang dating Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña who turns a year older (and wiser) tomorrow, August 5. Many returns po, ex-mayor!

Read more...