FX bumagsak sa bahay

SUGATAN ang isang lalaki nang mahulog ang minaneho niyang FX sa isang bahay sa Baguio City, Huwebes ng gabi.

Dinala sa ospital si Robert Gumiha, 41, isang driver ng DPWH, dahil sa tinamong pinsala sa tuhod, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente pasado alas-11, sa Purok 17, Dump Site, Brgy. Irisan.

Pauwi si Gumiha at kasama niyang si Omar Cabrera lulan ng Toyota Tamaraw FX (UNV-721) nang mahulog ang sasakyan sa bahay na nakatayo 5 metro sa baba ng kalsada.

Pinalad na di nasugatan si Cabrera. Walang taong nasugatan sa bahay, na pag-aari ng isang Balbina Lozano, pero nasira ang bubong ng kusina, water valve, at mga kasangkapan doon.

Kapwa amoy-alak sina Gumiha at Cabrera nang mahugot ng mga rescuer, ayon sa pulisya.

Read more...