NAGPADALA umano ng pera na kinuha mula sa gobyerno ang whistleblower na si Benhur Luy sa US account ni Janet Lim Napoles.
Ito ang sinabi ni Luy sa pagdinig ng kaso ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., sa Sandiganbayan First Division.
Ayon kay Luy napunta sa Estados Unidos ang bahagi ng kinita mula sa pork barrel fund scam.
“Pinapa-telegraphic po namin sa US sa kanyang accounts,” ani Luy.
Si Napoles, kanyang tatlong anak, kapatid at hipag ay nahaharap sa kasong money laundering sa Estados Unidos.
Si Luy ay pangunahing testigo sa mga kasong isinampa kaugnay ng pork barrel fund scam.
Tumanggi naman si Luy na magkomento ng matanong ng media kung handa siyang pumunta sa Estados Unidos para tumestigo laban kay Napoles.
MOST READ
LATEST STORIES