P178.8M lotto jackpot nasungkit sa Pangasinan

SA Pangasinan tumaya ang nag-iisang nanalo ng P178.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Lunes ng gabi.
Ang winning combination ay 9-21-43-35-54-12.
May isang taon palugit ang nanalo para makubra ang kanyang premyo, ayon sa PCSO.
Umabot sa P64.231 milyon ang halaga ng itinaya para sa bola ng 6/55 kamakalawa ng gabi.
Samantala, nanalo naman ng P100,360 ang 32 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P1,670 ang napanalunan ng 1,534 mananaya na nakakuha ng apat na numero at tig-P20 ang 36,496 na naka-tatlong numero.
Babalik sa P30 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto sa susunod na bola nito mamayang gabi.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...