Nanakawan ka na ba?

NAGHINTAY kami ng paggaling, ngunit sindak ang dumating. Inaamin namin ang kasamaan namin at ng aming mga pinuno. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Jer 14:17-22; Sal 79:8-9, 11, 13; Mt 13:36-43) sa Paggunita kay San Ignacio ng Loyola.

Sakmal pa rin ng sindak ng ilegal na droga ang bansa, lalo pa’t may ebidensiya na lumalawak ang pagkakasangkot ng mga pulis, sa kabila ng P40,000 sahod buwan-buwan. Kung napapatay ang mahihirap, bakit hindi pinapatay ang mga pulis na nahuli sa akto? Kapag sumigaw ang pulis ng “tropa!” sa drug operation, hindi sila pinapatay; at kung may napapatay, paisa-isa lang.

Sangkot ang pulis, barangay, mayor, gob at cong. Hindi nga magtatagumpay si Duterte kontra droga. Kung protektado ang showbiz host, malalaking artista na malalakas kumita, matatalo ang gera kontra droga. Madaling mahuli ang mahihirap, konting patakbu-takbo lang at sisigaw ng “dapa!” Mahirap hulihin ang mga artista at host. Paano sisigaw ang pulis ng “dapa!” sa kalagitnaan ng noontime show?

Bukod sa droga, ang tumataas na bilang ng krimen ay ang nakawan. Sa North Caloocan, maraming insidente na pinapasok kahit araw ang bukas na bahay ng mga de-baril, padadapain ang mga nasa loob, maghahalughog, hoholdapin ang pamilya, saka tatakas. Ang cellphone snatching ay wala sa blotter ng pulis. Ito’y itinatala na lang sa barangay dahil sa nahagip ng CCTV. Ang pakli ng pulis, di namin kilala ang holdaper-snatcher. Kilala yan ng barangay.

Ang sabi ni Duterte ay puwedeng pumatay ng kriminal. Sa Crame, ang threat assessment ay madaling patunayan basta ang residensiya ay drug infested; at makakukuha na ng lisensiya ng baril at LTOPF. Sa batas ng tao, puwede ring pumatay bilang pagtatanggol sa sarili. Sa batas ng Diyos, gayun din naman (Catechism of the Catholic Church 2265). Hindi na paaapi ang normal na mamamayan. Bilang karapatan, mag-armas na pagkatapos ng pagsasanay sa basic gun handling at practical shooting. Iligtas ang sarili, iligtas ang pamilya.

Di maitatago ang poot ni Aquino sa pagkakahirang kay GMA bilang speaker ng Kamara. Ano raw ang magagawa ni GMA sa maigsing panahon? Eh di palawigin ang termino ni GMA para may magawa siya. Ganun ba? Ang magandang gagawin ni GMA (at gumugulong na) ay amyendahan ang juvenile delinquency law ni Pangitlinan (protektado ng batas ang mga batang hamog at menor). Dahil sa batas ni Pangilinan, inutil ang mga barangay at pulis sa pagsugpo ng krimen ng mga menor de edad, lalo na ang rape, drugs at pagnanakaw. Teka, galing Kamara si Aquino. Bakit di siya nag-ambisyong maging speaker? Galing din siya ng Senado. Bakit di siya naging Senate president.
Kung tatakbong senador, ang Senate presidency ang ambisyon ni GMA para lahat ng matataas na puwesto ay nahawakan na niya. Nakaiinggit nga, di ba Noy?

UST (Usaping Senior sa Lolomboy, Bocaue, Bulacan): Tila ang mga senior lamang sa Bulacan ang handa sa kanilang burol at libing. Maraming package, pati na ang 24-hour catering (kasama ang kornik, butong pakwan, atbp., at alak) sa burol. Meron na ring arkiladong nakikipaglibing, kuntodo namumugto pa ang mata. P70,000-P150,00 ang package. Kaiyak-iyak ba?

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Laug, Mexico, Pampanga): Sapilitan ba ang pagpapatawad sa asawang babaero? Ipinakikiusap at isinasamo ng simbahan ang pagpapatawad base sa Mat 6:14-15.
Inuunawa rin ang kaapihan ng babae. Hindi nagmamadali ang simbahan. Kung di mapatatawad ngayon, puwede sa susunod na taon? Dalawang taon? Kapag dinapuan ng malubhang karamdaman o bago mamatay, ang hiling habang ipinapahid ang langis (annointing, extreme unction): patawarin mo na.

PANALANGIN: Huwag Mong singilin sa amin ang pagkakasala ng mga pinuno namin. Sal 79:8

MULA sa bayan (0916-5401958): Welcome namin ang recalibrated tokhang. Pabata nang pabata na ang sumisinghot ng shabu rito. …4521, Apopong, General Santos City

Read more...