Kris pinayagan ng doktor na pumunta sa Hollywood premiere ng ‘Crazy Rich Asians’

KRIS AQUINO

AYAW palampasin ng Queen of Social Media na si Kris Aquino ang pagkakataon na makarampa sa red carpet Hollywood premiere ng pelikulang “Crazy Rich Asians”.

Kaya naman kahit kagagaling lang sa matinding allergy attack nang mag-shooting sa Indonesia para sa isang product endorsement, natuloy pa rin ang paglipad niya patungong Amerika para sa nasabing event.

Nu’ng una ay hindi pa sigurado si Kris kung makaka-attend ng red carpet premiere ng “Crazy Rich Asians” dahil nga sinabihan siya ng kanyang doktor na kailangang niya ng complete bed rest pero tuwang-tuwa ang mommy nina Joshua at Bimby dahil binigyan pa rin siya ng clearance ng kanyang doktor.

Narito ang kanyang Instagram post tungkol sa pag-attend niya sa nasabing event, “The ‘tigas ulo/bawal sumuko/kakayanin lahat’ in me hindi nagpatinag. Nagawan po ng paraan- lilipad kasama ng mga anak, our team, and my doctor to walk the red carpet for the Hollywood premiere of the ground breaking, all Asian cast movie @crazyrichasians from @wbpictures.”

Dugtong pa niya, “Hangarin ng puso ko na mabitbit ang bandila ng PH in a movie highlighting Asian Culture. YES, let us always remember & uphold: WE FILIPINOS ARE WORLD CLASS! (sic).”

Kung matatandaan, nag-audition si Kris para sa nasabing Hollywood movie noong March 25, 2017 at nang matanggap ay agad siyang nag-shooting noong June 14, 2017. Kung hindi kami nagkakamali, ginampanan ni Kris sa movie ang karakter ni Princess Intan.

Read more...