EXO member DO balik drama sa ‘Dear Husband Of 100 Days’

DO KYUNG SO/DO

KOREAN word of the week: “Chingu” – ito ay nangangahulugang “friend” sa Ingles at kaibigan naman sa Tagalog.

Muli na namang mapapanood sa Korean drama ang isa sa mga miyembro ng sikat na K-Pop boy band na si Do Kyung Soo na mas kilala bilang DO sa upcoming series na Dear Husband Of 100 Days.

Makakasama ni DO ang leading lady ni Ji Chang Wook sa Suspicious Partner na si Nam Ji Hyun.
Isang historical romantic comedy drama ang Dear Husband Of 100 Days na tungkol sa isang crown prince sa
fictional historical era na mawawala for 100 days.

Gaganap si DO bilang crown prince na si Lee Yool at Won Deuk matapos mawalan ng memorya.
Si Ji Hyun naman ang gaganap bilang Hong Shim.
Nakatakda itong mapanood sa Setyembre 10, 2018.

Read more...