MARAMING nagpapalagay na kumpleto na ang kaligayahan ngayon ng isang hindi na kabataang female personality dahil magkasama na sila uli ng nakahiwalay niyang karelasyon.
Ibang klaseng pana ni Kupido raw kasi ang tumama sa puso ng magandang singer-actress dahil kahit pa maraming nagwa-warning sa kanya na mag-ingat sa lalaki ay ang sinasabi pa rin ng kanyang puso ang sinunod ng magandang babaeng personalidad.
Kuwento ng aming source, “‘Yun ang akala nila, pero ang totoo, hindi pa rin complete happiness ang nararamdaman niya ngayon dahil maraming kumokontrabida sa lovelife niya.
“Hindi lang mga friends niya ang nagiging problema ng girl, pati ang family niya, e, halatang kontra rin sa boyfriend niya ngayon. Ang dami-dami naman kasing kuwento tungkol sa lalaking ‘yun!” simulang chika ng aming source.
Nang magkaroon kuno ng reunion ang pamilya ng female personality ay sinabi sa kanya ng mga kamag-anak niya na huwag isasama ang lalaki para makausap siya nang masinsinan ng mga ito.
“Ganu’n nga ang nangyari, sinunod niya naman ang request ng mga kapamilya niya, hindi niya isinama sa gathering ang boyfriend niya. At totoo, kinausap siya ng mga kamag-anak niya na habang maaga pa, e, humiwalay na siya sa lalaking balitang-balita ang pagiging ipinaglihi sa manggang hinog, as in manggagamit lang.
“Nakinig naman ang girl, pero hindi ibig sabihin na susundin niya ang payo ng mga kamag-anak niya. Wala ngang naganap, dahil hanggang ngayon naman, e, sila pa rin ng guy. Nawalan ng saysay ang pag-uusap nila ng mga kadugo niya, pag-ibig pa rin ang nasunod, tuloy pa rin ang ligaya sa buhay ng singer-actress.
“Pero may bilin sa kanya ang mga kausap niya, kung hindi niya kayang hiwalayan ang guy, matuto siya sa buhay. Ang kuwento kasing nakararating sa pamilya niya, lahat daw ng nakarelasyon ng guy, e, naiwang nganga!
“Ewan kung gagawin nga ng girl ang pag-iingat, ewan kung mas bibigyan niya ng importance ang payo ng mga kamag-anak niya. Parang hindi rin siguro.
“Magaling daw kasi ang bokadura ng guy, super-lambing pa, kaya bigay na bigay ang pagmamahal ng girl sa karelasyon niya. ‘Yun na kuno ang minaster ng lalaki.
“Isa na lang ang hope ng mga kamag-anak ng girl, hiram lang naman ang lahat-lahat sa mundo. Parang ang lovelife din nila ng guy, hiram lang,” madiing chika ng pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na!