DFA sinabing walang Pinoy na nadamay sa magnitude 6.4 na lindol sa Indonesia

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang napaulat na Pinoy na nadamay sa magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Indonesia noong Hulyo 29 kung saan 14 ang napaulat na nasawi.

Idinagdag ng DFA na base sa ulat ng Philippine Embassy sa Jakarta na pawang ligtas ang 250 Pinoy na nasa Lombok.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Pilipinaa sa pamilya ng mga namatay sa lindol.

Sa ulat ng National Disaster Mitigation Agency of Indonesia, umabot sa 14 katao ang nasawi at mahigi 1,000 bahay ang nasira dahil sa pangyayari.

Read more...