Ai Ai pagalitan kaya ng mga pari dahil sa bagong pelikula? | Bandera

Ai Ai pagalitan kaya ng mga pari dahil sa bagong pelikula?

Jun Nardo |August 02,2018
facebook
share this

Ai Ai pagalitan kaya ng mga pari dahil sa bagong pelikula?

Jun Nardo - August 02, 2018 - 12:20 AM

NAKAKATAKOT ang hitsura ni Ai Ai delas Alas sa poster ng Cinemalaya entry niyang “School Service.”

Kung nakakaawa ang naging role niya sa indie movie na “Area” bilang laos na pokpok, this time, pagmumurahin naman niya ang mga batang kasama niya sa eksena, huh!

Naku, mawiwindang tiyak ang manonood sa character ni Ai Ai sa indie movie na dinirek ni Louie Ignacio. Imagine nga naman, isa siyang Papal Awardee, tapos, halimaw sa mga bata ang role niya!

“Role lang naman ‘yon. Maiintindihan naman nila siguro ang ginawa ko sa movie,” depensa ni Ai Ai.

Another feather in her cap ang acting sa “School Service” ng Comedy Queen. Kabado na nga siya sa magaganap na gala premiere ng movie ngayong Linggo ng gabi, Aug. 5 sa Cultural Center of the Philippines Main Theater.

Nag-imbita si Ai sa kanyang Instagram sa gala preem ng pelikula. Nagpasalamat fin siya kay direk Louie, “…for bringing out the best in me sa aktingan sa mga indie films namin…labyu thank you.”

Maging ang endorsements niyang Hobe Bihon at Pitalicious ay pinasalamatan niya dahil nag-offer silang mag-sponsor ng food sa cocktails na magaganap bago ang screening.

Ang isa pang magandang balitang natanggap ni Ai Ai sa movie ay soldout na ang tickets sa Aug. 4, 3:30 p.m. screening ng “School Service” na kasama sa full length main competition ng Cinemalaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending