Probinsyano ni Coco pinaghandaan ang paglipad ni Alden

GINTO ang utak ni Coco Martin. Kung saan niya hinahango ang kanyang mga ideya ay ipinagtataka rin ng kanyang mga kasamahan. Hindi siya basta bida lang ng Ang Probinsyano, nauupo siya sa production meeting, naglalatag siya ng mga ideyang gagamitin nila sa matagumpay na serye.

Hindi na nakapagtataka kung bakit halos tatlong taon na ngayong tinatangkilik ng ating mga kababayan ang pinagbibidahan niyang serye. Sumasabay kasi ang Ang Probinsyano sa panahon.

Mukha ng lipunan ang palabas.

Sabi ng aming kakuwentuhan mula sa Dos, “Si Coco ang pinakautak ng serye. Binabalanse niya ang mga eksena, siya ‘yan! Siya ang nagbibigay ng magagandang ideas, pati ang execution, kanya rin, utak niya ang gumagana sa Ang Probinsyano.”

At sa pagbabanggaan nila ng Victor Magtanggol na pinagbibidahan naman ni Alden Richards ay halatadong inupuan ng produksiyon ni Coco nang masinsinan ang mga tagpo na ipanglalaban nila sa bago nilang katapatan sa time slot.

Grabeng preparasyon ang maaaring naganap dahil nang umere sila nu’ng nakaraang Lunes ay talaga namang hindi ka bibitiw sa kanilang mga eksena.

Boses ni prop ang gusto naming marinig, ang kanyang sabi, “Nahilo ang remote control ko sa panonood, palipat-lipat talaga ako, ayokong may makalampas na eksena sa paningin ko.

“Ambitious ang serye ni Alden, pinagtrabahuhan, bukod pa sa guwapo ang bida nila. Pero iba pa rin ang atake ng Ang Probinsyano, puso ang ipinangtapat nila sa bago nilang kalaban.

“Saka alam mo na dati nang sanay sa laban ang palabas, marami na silang nakaengkuwentro sa oras, pero wala pa ring makatitibag sa kanila,” madiing komento ng kaibigan naming propesor.

Read more...