Coco baby face pa rin kahit palaging puyat at pagod | Bandera

Coco baby face pa rin kahit palaging puyat at pagod

Reggee Bonoan |August 02,2018
facebook
share this

Coco baby face pa rin kahit palaging puyat at pagod

Reggee Bonoan - August 02, 2018 - 12:01 AM

NAALIW kami sa report ng ABS-CBN News kahapon pasado ala-una y media ng hapon tungkol sa balitang napatay sa isang operasyon ang umano’y drug pusher na kinilala lang sa Alyas Alden na isa rin umanong holdaper. Narekober ang mga wig na isinusuot nito sa panghoholdap.

Sumakto kasi na ang bagong programa ni Alden Richards na Victor Magtanggol ang katapat ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Galit sa mga kriminal at mga taong involved sa ilegal na droga ang karakter ni Alden sa kanyang serye.

Pero kahit na maingay ang nasabing programa sa social media, hindi pa rin ito nakalusot sa serye ni Coco na nakakuha ng national rating na 42.4% habang 20% naman ang nakuha ng Victor Magtanggol ayon sa Kantar Media survey.

Parehong tagapagtanggol ng bayan ang kuwento ng mga programa nina Coco at Alden, pero sabi nga merong magwawagi at merong uuwing luhaan.

Masyado pang maaga kung tutuusin ang sinasabi naming may magwawagi at mangingibabaw dahil nagsisimula pa lang naman ang katapat ng FPJ’s Ang Probinsyano pero sabi nga ng karamihan, mahirap bumitaw sa programang naumpisahan at nakasanayan na.

Tama rin naman at kahit tatlong taon nang umeere ang aksyon-serye ni Coco ay hindi pa rin nagbabago ang viewership nito at mas lalo pa ngang tumaas at higit sa lahat, mas tumaas din ang kinikita nito kaya hindi pa rin ito tinatanggal ng management.

Sa katunayan ay marami pang artistang papasok sa programa at maraming kuwento pang magbubukas. Inaabangan din ang magiging buhay nina Cardo (Coco) at Alyana (Yassi Pressman) sa pagbabalik nila sa Maynila.

Curious naman kami kung anong bitamina ang iniinom ni Coco para hindi siya makaramdam ng pagod dahil bukod sa artista na siya ay siya pa ang direktor at creative consultant ng sariling programa.

At hindi lang iyon, hindi bakas sa aktor ang matinding pagod at puyat dahil nananatili pa rin siyang baby face, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending