BANDERA “One on One”: Isabel Oli

BAGO pa nakilala bilang aktres si Isabel Oli, naging laman muna siya ng ilang TV commercials, kabilang na diyan ang TV ad na pinagsamahan nila ni Piolo Pascual para sa isang food chain.
At mula nu’ng sumikat ang nasabing commercial, nagsimula na rin ang acting career ni Isabel.
At tulad ng ibang celebrities, hindi rin nakaligtas sa mga intriga ang model-turned actress. Grabe rin ang hinarap na kontrobersiya ni Isabel nu’ng maging magkarelasyon sila ni Paolo Contis hanggang sa magdesisyon na silang maghiwalay ng landas.
Isali pa ang pagkakasakit ng kanyang ama na naging dahilan ng sandaling pamamahinga niya sa showbiz. Pero sa kabila nga ng mga pagsubok na ito, inamin ni Isabel na talagang hindi na niya maiiwan ang mundong ginagalawan niya ngayon.
Nagkaroon ng chance ang BANDERA na maka-chika si Isabel kamakailan at nai-share niya ang ilang detalye as buhay niya ngayon. Narito ang naging takbo ng aming pagkukuwentuhan.

BANDERA (B): Kapag hindi ka busy sa pagiging artista or model, ano ang ginagawa mo?
ISABEL OLI (IO): Sa house lang ako, DVD marathon, mahilig kasi akong manood ng movies, e. Pero sometimes, nasa spa, or shopping. Minsan naman, nagdi-dinner kami ng friends ko sa labas.
B: Ang ganda-ganda mo pa rin sa kabila ng mga problema, may beauty secrets ka ba?
IO: I don’t really call it beauty secret, basta ang ginagawa ko lang, drink plenty of water, kasi medyo dry ‘yung skin ko. So, kailangan talaga hindi ako ma-dehydrate. I also make sure to wash my face before going to bed. Kahit na antok na antok na ako galing work, hindi puwedeng hindi ako magtanggal ng make-up. Madali kasing ma-irritate ang skin ko, e.
B: Paano mo name-maintain ang katawan mo?
IO: I go to the gym regularly, pilates, tapos weights. Minsan, tumatakbo rin ako. Swimming din.
B: May sinusunod ka bang diet?
IO: Kapag dinner, hindi na talaga ako nagra-rice. Tsaka wala talagang softdrinks. Hindi ko kasi nakahiligan ang softdrinks kahit nu’ng bata pa ako.  Basta avoid lang sa fatty and oily foods, ‘yun lang. Minsan naman, vegetables lang. Pero hindi naman ako vegetarian talaga.
B: Marunong ka bang magluto?
IO: Marunong kahit paano. I’m trying, trying pa lang. Pero ngayon isa lang ang perfect kong lutuin, as in pwede kong ipagmayabang – morcon. Tinuro siya sa akin ng friend ko. Tapos ‘yun, lagi ko na siyang hinahanda kapag may event sa bahay. So, far, nagugustuhan naman nila. Wala pa namang nagsusuka sa niluluto ko. Hahahaha!
B: Do you love to travel?
IO: Yes, sobra. Kahit ako lang mag-isa talagang umaalis ako.
B: Anu-anong bansa na ang napuntahan mo?
IO: Sa Asia pa lang. Baka this year, sana, matuloy na ako sa States and Europe. Inaayos lang ‘yung visa ko, so I hope, matuloy na this year. Tsaka sana makasama ko ang family ko, my dad and my mom. Kasi kapag nagta-travel ako, gusto ko talagang sila ang kasama ko. Para kasing hindi kumpleto kapag wala sila. Mas happy kapag magkakasama kaming nag-iikot sa iba’t ibang lugar.
B: Kumusta na nga pala ang daddy mo?
IO: He’s okay. Stable lang ang condition niya ngayon. Sana mas bumuti pa ang kalagayan niya para tuluy-tuloy na.
B: Kumusta naman ang lovelife mo after that controversial break-up with Paolo Contis?
IO: Ayun, wala pa rin. Pero happy naman ako. Masarap din namang maging single. But I go out on dates, but not exclusively dating.
B: Mula nu’ng maghiwalay kayo ni Paolo, parang hindi ka na nagka-boyfriend, may trauma factor ba on your part?
IO: No, not naman na-trauma. Gusto ko pa rin namang magkaroon ng boyfriend, pero wala pa talagang dumarating, e. Basta ine-enjoy ko lang kung ano ang meron ako ngayon.
B: Hindi ka ba naiinggit kay Paolo na magkakaroon na ng baby (courtesy of EB Bae Lian Paz) very soon?
IO: No. Ako naman kahit kailan hindi ako nainggit sa success or happiness ng ibang tao. Ngayon, sobra happy ako sa nangyayari sa life ko. Maraming blessings na dumarating,  kahit nga ‘yung mga bagay na hindi mo pa hinihingi, nandiyan na. As in sobrang thankful talaga ako kaya wala sa akin ‘yung inggit factor.
B: Ano ang dream wedding mo?
IO: Simple lang. Gusto ko nandu’n lang lahat ng close friends ko, ‘yung family ko. Yung mga malalapit na kaibigan ng mga asawa ko. Gusto ko garden wedding. Tapos after the ceremony, ‘yung masayang reception, yung party talaga, as in masaya! Ayoko nu’ng formal, kasi gusto ko lahat mag-participate, lahat mapi-feel nila ‘yung kaligayahang napi-feel ko.
B: Ilang anak ang gusto mo?
IO: I came from a big family kasi, seven kaming magkakapatid, so kung ako lang ang masusunod, gusto ko mga apat or lima. Mahilig kasi ako sa mga bata. Nawawala ang stress at pagod ko kapag nakakakita na ako ng kids. Sobrang gusto ko ‘yung maraming bata sa paligid ko.
B: Ano pa yung dreams mo na hindi mo pa natutupad?
IO: Dreams? Ahhh, sa career ko, being an actress, siyempre, everybody’s dream naman ang magkaroon ng sariling project, ’yung ikaw talaga ang bida. International movie, and probably win a best actress award.
Sa personal life ko naman, siyempre, ang ultimate objective naman ng isang babae ay magkaroon ng sariling family, magkaasawa at magkaroon ng mga anak. Tsaka I love to study uli this year, kasi graduate ako ng Information Technology, pero gusto kong mag-aral ng Psychology this year. Sana, sana puwedeng isingit sa schedule ko.

—interview ni eas
BANDERA Entertainment, 010610

Naaliw ka ba sa interview kay Isabel? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.

Read more...