DOLE clinics, serbisyo sa mga komunidad

PATULOY na pinalalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga DOLE Clinics.
Isa sa pangunahing layunin nito ay ang magpaabot at paigtingin ang tulong sa mga komunidad.

Ang DOLE Clinics ay isang mekanismo na naglalayong maghatid at ilapit pa ang programa at serbisyo ng DOLE sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay tulong tulad ng pre-employment facilitation, labor standards enforcement, dispute resolution, at livelihood assistance.

Ang ibig sabihin, ang DOLE mismo ang maglalapit ng aming mga programa sa pamamagitan ng pagpunta sa komunidad at mga pagawaan para mapakinggan, mapag-aralan, at agarang matugunan ang mga katanungan at hinaing ng mga manggagawa

Kabilang pa sa dagdag na serbisyong ibinibigay ng kagawaran sa mga DOLE Clinics ay ayuda mula sa Public Employment Service Offices (PESOs) ng mga local government units (LGUs) sa buong bansa.

Upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang publiko, ang mga bureau at attached agency ng DOLE ay inatasang magpaabot ng kinakailangang information, education, and communication (IEC) materials para sa mga lugar na kanilang nasasakupan at maging sa mga LGU sa pamamagitan ng mga PESO.
USEC Joel
Maglungsod
DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...