St. Benilde, Mapua wagi sa NCAA

Mga Laro Bukas
(Letran Gym)
2 p.m. Letran vs CSB (jrs)
4 p.m. Letran vs CSB (srs)
HUMUGOT ng magka-hiwalay na panalo ang College of Saint Benilde at Mapua University kahapon sa 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Pinataob ng Blazers ang Jose Rizal University, 81-66 habang tinalbos ng Cardinals ang Arellano University, 91-83, upang parehong umangat sa 2-2 kartada.
Kinapitan ng Blazers si Cameroonian Clement Leutcheu upang ibaon ang Heavy Bombers sa ilalim ng team standings sa masaklap na 0-5 karta.
Nagtala si 6-foot-7 Leutcheu ng double-double sa pagtipa ng 20 points at 14 rebounds para sa Blazers.
“I’m just trying to do what the coaches want me to do and try to improve on several aspects of my game,” sabi ni Leutcheu.
Sinandigan naman ng Cardinals si Laurenz Victoria, ang scoring leader ng koponan na nagbigay ng career-high nine assists at umiskor ng siyan na puntos. —Angelito Oredo

Read more...