Ogie hindi inakalang tatagal ng 3 dekada sa showbiz

OGIE ALCASID

HINDI pa rin makapaniwala ang Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid na 30 years na siya sa entertainment industry.

Magkakaroon ng bonggang concert si Ogie bilang bahagi ng kanyang 30th anniversary celebration, ang “OA” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Aug. 24.

Sa presscon ng “OA” recently, inamin ni Ogie na hindi niya inakala na tatagal siya ng 30 years sa showbiz.

“Can you imagine? 30 years ko na kayong binobola. 30 years is a blessing, so I wanted to celebrate with a concert,” ang pahayag ni Ogie na handang-handa na sa kanyang big day sa Big Dome.

Natanong ang OPM icon kung ano ang sikreto niya at tumagal siya ng tatlong dekada sa industriya at patuloy pa ring humahataw sa pagpe-perform at paggawa ng kanta.

“I guess sa pakikisama ko sa lahat ng tao, producer, director, writer, musicians, hanggang sa mga DJs, lahat naging kaibigan ko sila. Dahil naging patient ako and never ako nagreklamo, ‘yun lang ang secret,” tugon ng mister ni Regine Velasquez.

Dugtong pa niya, “I’m just patient. Marami naman kind e, marami naman mabait, but I never complain. I’m always early. Kahit anong ipagawa sa akin gagawin ko,” dagdag pa niya.

Sa tatlong dekada ni Ogie sa industriya, napakalaki raw ng nagawa ng telebisyon sa kanyang career, “Naging blessed po ako na naging part ako ng television kasi television talaga ang pinapanood ng nakararami. Television ang pinapanood ng masang Pilipino.”

“I mean nagsimula ako as a musician. Pero nakilala ako, naging household name ako, dahil sa telebisyon,” aniya pa.

Makakasama ni Ogie sa kanyang anniversary concert ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at ang promise niya sa mga manonood, “Magkakaroon kami ng malaking fiesta atmosphere sa opening number na mayroong 80 hanggang 100 performers sa stage. Gusto naming ipagdiwang ang lahat ng may tatak Pilipino.”

Makakasama rin ng Your Face Sounds Familiar Kids judge sa musical milestone na ito sa kanyang career ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda at ang asawang si Regine.

Magkikisaya rin sa selebrasyon sina Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira dela Torre, Ban Sot Mee, Hotlegs at ang kanyang mga anak na sina Leila Alcasid, Sarah Alcasid at Nate Alcasid.

Ito’y sa direksyon ni Paolo Valenciano, sa musical direction ni ABS-CBN Philharmonic Orchestra maestro Gerard Salonga.

Unang pinasok ni Ogie ang industriya ng musika noong 1988 at naging opisyal na hitmaker sa kasunod na taon nang matanggap niya ang gold status para sa kanyang debut album at naging malaking hit ang “Nandito Ako,” ang kauna-unahang single ng OPM icon.

Handog ng Star Events, ABS-CBN Events at A-Team ang “OA” concert, with PLDT Home and Belo Medical Group as co-presenters habang minor sponsors naman ang Transmodal International Inc., EO Executive Optical, at Jollibee.

Mabibili na ang tickets sa ticketnet.com.ph at maaari ring tumawag sa 911-5555 for inquiries. Huwag palampasin ang 30th anniversary show ni Ogie sa Aug. 24 (Biyernes), 8 p.m.. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

Read more...