Loisa, Ronnie nag-away dahil sa beki

LOISA ANDALIO AT RONNIE ALONTO

PAKSA ng mga bulung-bulungan sa showbiz ang naging rason sa lovers’ quarrel ng Kapamilya stars na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Iba-ibang bersyon ang kumalat na dahilan kabilang ang third party on Ronnie’s side.

Ang dami kasing nali-link kay Ronnie, babae man o gay kabilang na riyan si Vice Ganda.

Although, may ibang bersyon naman ang lumutang na si Loisa diumano ang may nakarelasyong iba. At ang sinasabing guy na ipinalit daw ni Loisa kay Ronnie ay ang non-showbiz guy na boyfriend ng kapatid na babae ni Ronnie.

May narinig din kami na baka raw unang nabuking ni Loisa na may ibang karelasyon ni Ronnie habang mag-on sila na naging dahilan ng kanilang “break-up.” At bilang ganti, humanap siya ng iba na mas ikakairita ni Ronnie, ‘di kaya?

Ang latest, nagkabalikan na raw ang dalawa. This after Ronnie posted a sweet photo sa Instagram kasama si Loisa with this caption: “Simula ngaun hanggang future.”

Before this, nag-post din si Loisa sa kanyang IG ng message for Ronnie and said, “Love will never do, without you.” Kumalat din ang kissing photo ng magka-loveteam sa social media na kuha sa isang public place sa Mall of Asia Arena.

Read more...