Pelikula nina Iñigo at Maris tuloy na tuloy na; ididirek ni Boy2 Quizon

IÑIGO PASCUAL AT MARIS RACAL

PANGARAP pala ng singer-actor at MYX VJ na si Inigo Pascual na maka-collaborate sa isang proyekto ang sikat na sikat na ngayong rapper-songwriter na si Shanti Dope.

“Sana, sana. That’d be so super, dream collaboration. Sana mangyari, that would be super solid,” ang pahayag ni Inigo nang makachika ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng ABS-CBN TVplus para sa announcement ng mga bagong programang mapapanood dito.

Sey ng binata, favorite niya ang kanta ni Shanti na “Nadarang” kaya nga super thankful siya dahil nakasama niya sa stage ang magaling na rapper sa nakaraang 2018 MYX Music Awards, “I was really happy I was able to (perform with him) sa MYX Music Awards.”

Isa si VJ Inigo sa mga dumalo sa mediacon ng ABS-CBN TVplus dahil nga mapapanood na rin dito ang music channel na MYX. Tinatapos na rin niya ang movie nila ni Maris Racal, ang “I’m Ellenya L” mula sa Spring Films at N2 Productions, directed by Boy 2 Quizon.

Read more...