Alice Dixson binatikos dahil sa pagsu-swimming sa Bora

ASAWA naman pala ni Alice Dixson ang may-ari ng isang hotel sa Boracay kaya nakapasok siya sa resort habang on-going ang clean up drive ng pamahalaan sa island.

“My 1st picture – the morning of my birthday July 28, 2018 as I turn 49!!! This is what 49 looks like!” ang caption ni Alice sa kanyang Instagram photo.

Ayon kay Manay Lolit Solis nang mainterbyu sa isang morning program sa radio hindi na kailangan ng permit ni Alice sa Bora dahil property nila ang pinuntahan niya roon.

Lumikha kasi ng ingay sa social media ang picture sa Instagram ni Alice habang nasa beach na nagtatanong kung paano siya nakapasok sa Bora. Maraming nam-bash sa aktres dahil dito.

Supalpal ngayon ang bumanat kay Alice sa rebelasyon ni Manay Lolit.

Read more...