Idinagdag ng NDRRMC kabilang sa mga rehiyon na napinsala ng mga pag-ulan mula pa sa unang bahagi ng Hulyo ay ang Ilocos region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas atvCordillera region.
Sinabi pa ng NDRRMC na tinatayang aabot sa P2.2 bilyon ang pinsala sa agrikultura at P629 milyon naman sa imprastraktura.
Pinaka matinding napinsala ang agrikultura ng Central Luzon kung saan umabot sa P1.2 bilyon ang halaga ng nasira.
Matatandaang walang tigil ang pag-ulan sa bansa dulot ng mga bagyong Henry, Inday, at Josie, at Hanging Habagat.
Sa opisyal na bilang ng NDRRMC, 13 ang naitalang nasawi, samantalang tinatayang 510,914 katao o 120,446 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers.