NOT only does a family that prays together stays together, pinagbubuklod din ang isang pamilya when its members dine together.
Hindi na nga poproblemahin pa ng enduring couple na sina Christopher Roxas at Gladys Reyes—their beautiful kids included—ang occasional outdoor dinner dates. Nagtayo na kasi sila ng Estela Restaurant sa Brickroad Sta. Lucia Grandmall sa Cainta, Rizal.
Bukas pasisinayaan ang nasabing resto kung saan i-pinagmamalaki nito ang special dishes mula kay—brace yourselves—Chef Victor Neri. Yes, you heard it right, ang mahusay na character actor ay isang kusina master rin pala.
Food, as we all know, is a thriving business. Hindi nga ba’t lumabas pa sa survey na umaa-ngat daw ang ekonomiya ng bansa sa rami ng mga kumakain sa labas?
May kalayuan na sa amin ang eastern part na ito sa labas ng Metro Manila, pero kung kadayu-dayo naman ang mga pagkain sa Estela, why not? Besides, boundary lang ng Pasig ang Cainta (iwasan lang ang ibang areas na bahain).
Tanong lang namin: how did the resto get its name? Bakit hindi Gladys or Christopher or pangalan ng isa sa kanilang mga anak o Zenaida (name of Gladys’ mom)? Whatever, it’s the food that matters.