O.K.S. Obvious Kung Sino.
Minus the meaning of the acronym ay hindi oks para sa maraming taga-showbiz ang nakakapagtakang pananahimik ng isang mahusay na aktor lalung-lalo na—pardon for bringing it back—ang nakatatak nang “stupid God” reference ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isipin among the faithful.
Kasagsagan ng 2016 campaign ay lantaran ang suporta ng aktor na ito sa presidential bid ni Digong even he was supposed to concentrate more on his own political agenda.
Came the election day, ang pinaghandaan ng aktor bore no fruits. Kamukat-mukat mo, balik siya sa kanyang dating gawi pa-libhasa hindi siya gaanong abala sa showbiz.
Pero kilala na siya for being a visible Bible-toting person, bukambibig niya lagi ang mga passages mula dito as if he’s on a missionary work. Imbes nga clutch bag ang nasa pagitan ng kanyang kili-kili ay Bibliya ang ipit-ipit nito.
Hinahanap ng kanyang mga kabaro sa showbiz ang aktor na ito not that he has disappeared in limbo. Hinahanap ang kanyang paninindigan—supposedly firm and unshaken—tungkol sa kanyang pagiging maka-Diyos.
Kung ang ibang mga artistang hindi naman preachy have expressed their disgust over Digong’s spiritual belief, bakit hindi nanguna ang aktor na ito? Where was he all along?
Inaasahan pa mandin ng mga taong nakakakilala sa kanya that he would lead the pack of the faithful regardless if he incurred the ire of the President.
Mas pinili na nga lang ba ng aktor na ‘yon na manahimik na lang, tutal naman ay huhupa ang isyu just as it did?
Shortly after his recent victory ay binanatan si Manny Pacquiao ng kaibigang Eric John Salut sa social media dahil sa ‘di nito pagtatatanggol sa Panginoon. Nakaligtaan ng showbiz na bukod nga pala kay Pacman na napakarelihiyosong tao ay nariyan din ang aktor na ito.