Horoscope, July 30, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Kaya ang dapat paglaanan ng maraming pera ang iyong kinabukasan. Sa pag-ibig, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamasarap na halik at romansa. Mapalad ang 3, 6, 18, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kahit anong pagsubok ang dumating hindi na mapipigil, ang tuloy-tuloy na pagyaman. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius na topakin. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 29 at 37. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Violet at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansyal, tandaang hindi uubra ang bait, dahil ang pagiging mabait ay hindi nagpapayaman sa halip ang malakas magpayaman ay ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan. Sa pag-ibig, kapag mayaman ka na at maraming ipon, doon mo mararamdaman ang wagas na saya at kaligayahan. Mapalad ang 6, 9, 16, 25, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhanah-Om-Dhosya.” Green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Laging maglagay ng old silver coin sa bulsa o wallet. Ang talismang nabanggit ang hahatak ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 5, 17, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Bukod sa silver buenas din ang blue.
Cancer – (June 22- July 22) — Maraming suwerteng bagay ang matatanggap kung lagi kang lalabas ng bahay. Sa mga social gathering magkakamal ng maraming salapi. Sa pag-ibig, sa isang nilalang na lagi sa karsada, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 4, 9, 29, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Kahit may dumating na malaking halaga ng salapi, matuto pa ring magtipid upang may mahugot sa sandali ng kagipitan. Sa pag-ibig, paglaanan ng pera ang palahinging kasuyo. Mapalad ang 1, 10, 16, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Red at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ang suwerte mo ay tuloy-tuloy kaya naman napakahalagang habang sinusuwerte ka tuloy-tuloy ka ring mag-ipon at mag-savings para sa iyong kinabukasan at para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, mag ingat may paparating na isang kumplikado pero masarap na relasyon. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Gray at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa malayong lugar, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa, kung sisimulan na ang pag-aaplay sa ngayon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi tatanggi ang minamahal, sa anomang uri ng romansang ilalatag mo mamayang gabi. Sa pinansiyal, mula sa malayong lugar, may biglang mag-aabot ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 4, 19, 28, 35, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Yellow at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag mag bago ng pasya, sapagkat kung lagi kang nagbabago ng isip sa bandang huli, wala ng maniniwala sa iyo. Sa pag-ibig, kung talagang mahal mo ang kasuyo, susundin mo ang kanyang gusto upang kapwa kayo lumigaya. Mapalad ang 3, 15, 25, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Phat-Shanti-Om”. Pink at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Huwag titigil hangga’t hindi yumaman! Sa pag-ibig, hindi dapat i-priority ang emosyon, ang mas mahalaga kung paano magkakamal ng limapk-limpak na salapi! Mapalad ang 8, 15, 24, 28, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Aumtan-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa sandaling pinag-isipang mabuti kung paano yayaman, simpleng-simpleng magagawa mo ito. Sa pag-ibig, habang nararahuyo sa pagmamahal, hindi ka dapat malibang, lagi mong isipin ang tungkol sa salapi at materyal na bagay. Mapalad ang 4, 13, 12, 21, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Red at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Tapusing mabilis ang anomang ginagawa upang magkaroon ng “free time” sa mga gawaing magdadagdag ng kita. Sa pag-ibig, alalahanin mong katapusan na bukas iplanong mabuti ang darating na buwan ng Agosto upang lalong uminit ang relasyon. Tandaan mo ring ang mahalaga ay ang mas maging masaya ka sa nga-yon o sa kasaluuyan. Mapalad ang 7, 14, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Arjuna-Om-Govinda.” White at lilac ang buenas.

Read more...