Jaclyn idinaan sa pagsusunog ng pancit ang galit kay GMA

JACLYN JOSE AT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

Burado na ang mga posts ni Jaclyn Jose tungkol sa makasaysayang sotanghon, pancit bihon at canton sa kanyang Instagram account. May nagpayo siguro sa kanya na chipangga ang kanyang mga kuda.

Sa sobrang galit ng aktres sa China ay napagdiskitahan niyang pakialaman ang mga produktong noodles ng bansa. May ipinakita pa siyang halimbawa kung paano nasusunog ang mga produktong ‘yun dahil plastic daw na nakasasama sa kalusugan ng mga Pinoy.

Hampas sa kalabaw sa kabayo pa ang latay ng atake ni Jaclyn Jose. Galit na galit siya sa China na pinanggagalingan ng mga produktong ayaw niyang ipatangkilik sa ating mga kababayan pero kakambal nu’n ang galit niya kay dating PGMA.

Nakipag-away si Jaclyn sa pancit. Sabi nga ni prop, “Nagsawa na kaya siyang awayin si Jake Ejercito, kaya ang nananahimik na pancit canton at bihon at sotanghon ang napagdiskitahan niya?

Nakakaloka!

Read more...