Maymay may hugot sa graduation message para sa sister ni Edward

LAURA BARBER AT MAYMAY ENTRATA

Part na talaga ng pamilya ni Edward Barber ang kanyang ka-loveteam na si Maymay Entrata. Super happy din kasi ang dalaga sa pag-graduate ng sister ni Edward na si Laura sa University of Warwick sa England (Bachelor’s degree in Chemistry).

Sa kanyang Instagram account, binati muli ni Maymay ang kanyang Ate Laura, “Sino ba talaga nag graduate sating dalawa? Pero thank you beb hinayaan mong suotin ko ang graduation cap mo. Dahil naniniwala ka din na balang araw magiging totoo nadin yan.

“Love you! At Congrats! Sobrang hanga ako sa talino mo grabee! Ipagpatuloy mo lang yan at ang suporta ko’y andito lang para sayo.”

Nag-post din si Edward ng litrato nila ng kanyang kapatid kasama ang mga magulang na kuha after ng graduation nito na may caption na, “Ladies and Gentlemen, I present to you, Laura Anika Barber. My sister. On that day, because I was so extremely proud, I posed like a fool, I screamed like a fan girl at a one direction concert, and I acted as a hairstylist for all your pics. And every single bit of it was worth it. So proud of you sis.”

Samantala, wagi sa rating ang unang episode ng Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko last Sunday sa ABS-CBN na pinagbibidahan ng MayWard.

Nakakuha ito ng national TV rating na 26% ayon sa datos ng Kantar Media.

Read more...