Naghihirap na aktres naibenta na ang mamahaling gamit at alahas

Trulili kaya na sa kawalan ng pera ay naibenta na lahat ng laos na aktres ang lahat ng naipundar niyang mamahaling alahas at gamit na sana’y ipapamana niya sa kanyang mga anak.

Wala naman kasing regular income ang aktres at wala rin siyang guesting o raket kaya saan nga naman siya kukuha ng budget sa araw-araw, e, hindi pa rin siya adjusted sa lifestyle na nakasanayan niya.

Mabuti na lang at sagot ng dating asawa ang gastusin ng mga anak ng aktres kaya kung tutuusin ay pang sarili lang niya ang problema niya.

Ano na nga ba ang nangyari sa movie project na gagawin niya sana? Hindi na ba matutuloy ‘yun? Pinaingay pa naman ng movie outfit ang project na iyon ng aktres.

Anyway, buti na lang may mga totoo pang kaibigan si aktres na nakakatulong ngayon sa kanya.

Read more...