JRU tinisod ng Letran

IPINADAMA ng Letran Knights ang lakas nito sa shaded area upang biguin ang Jose Rizal University, 74-68, kahapon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Nagtulong sina Christian Fajarito at Larry Muyang, na kapwa transferees mula sa St. Benilde at La Salle, upang ibigay ang krusyal na puntos sa importanteng yugto upang itulak ang Knights sa ikalawang sunod na panalo laban sa isang kabiguan para makasalo sa ikatlong puwesto ang Perpetual Help Altas.
Umiskor sina Fajarito at Muyang ng 14 puntos kada isa at nagsama sa pagtipon ng kabuuang 17 rebounds upang unang itakda ang takbo ng laro bago tuluyang itinakas ang panalo kontra sa nananatiling walang panalo na mga Heavy Bombers sa loob ng apat na laro.
Tumabla rin sa pangatlong puwesto ang Arellano University matapos na maungusan ang San Sebastian sa overtime, 82-81. —Angelito Oredo

Read more...