Young hunk actor umaalingasaw na ang kabaklaan, mahilig manilip kapag nasa cr

AMOY na amoy na raw sa kapaligiran ng isang serye ang pagiging becki ng isang guwapo pa namang young actor. Sinusundan ng tingin ng kanyang mga katrabaho ang kilos niya, ang kanyang pagsasalita, lalo na ang mga panahong nag-iisa lang siya.

Nagpapa-macho kuno ang young actor kapag maraming tao sa paligid, pero halatado pa ring pilit na pilit ang kanyang mga galaw, nahuhuli ‘yun ng kanyang mga katrabaho kapag napapahiwalay na siya sa grupo.

Kuwento ng aming source, “Nu’n pa kumakalat ang pagiging badingger-Z ng young actor na ‘yun.

May mga kuwento tungkol sa kalamyaan niyang gumalaw, tungkol sa pagsasalita niyang napakalambot, pero pilit na nagpapakalalaki siya kapag maraming kasama.

“Pero buking naman siya kapag napapahiwalay na siya sa kanyang mga katropa, may mga nakakapansin sa pagtikwas-tikwas ng kanyang mga daliri, sa kanyang mga kilos na bigay na bigay na malamya talaga siya,” simulang chika ng aming impormante.

Siya pala ang young actor na napabalitang iniiwasang makatabi sa CR ng kanyang mga kapwa aktor. Kasi raw, sa halip na mag-concentrate sa kanyang pagdyinggel ang male personality ay palingon-lingon siya, parang naninilip.

“Nu’ng nasa kabilang network pa siya, e, meron nang ganu’ng kuwento, di ba? Nu’ng rumampa kasi sila para sa isang malaking clothing company, e, may nakakita sa kanya na inaamuy-amoy ang briefs ng isa niyang kasamahang actor-model na rumampa rin.

“Ang sabi niya nu’ng makita siya ng isang tsismoso na inaamuy-amoy niya ang underwear ng isang kasamahan nilang male personality. Akala raw kasi niya, kanya ‘yun, kilala raw niya ang amoy ng briefs niya, kaya hindi raw pala sa kanya ang hawak niya.

“Hindi naman pala sa kanya ang briefs, pero bakit niya inaamuy-amoy? Itsura pa lang ng underwear, e, alam na niya dapat na hindi sa kanya ‘yun, pero bakit pa niya inaamuy-amoy?

“Naku, kahit maraming-marami sila sa seryeng ipinalalabas ngayon sa nilipatan niyang network, e, amoy na amoy pa rin siya ng mga katrabaho niya. Kesehodang matapang na warrior pa ang role niya, bukelya pa rin siya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, produkto siya ng isang popularity-talent search. ‘Yun lang!

Read more...