Direktor ng ‘Martial Law’ ni Manoy target ang ‘R-16’ rating sa MTRCB

DREAM movie at unang directorial job pala ni Direk Benedict Mique ang pelikulang “ML” (Martial Law) na pagbibidahan nina Eddie Garcia at Tony Labrusca na entry para sa 2018 Cinemalaya. Mapapanood na ito simula Agosto 3 hanggang 12 sa CCP Theater at ilang Ayala Cinemas.

Bungad ni direk Benedict nang makausap namin sa presscon ng “ML”, “Midlife crisis ako ‘te Regs, kasi I started sa film nagsimula ako as script continuity sa Star Cinema, 20 years ago.” Ang tinutukoy ni Direk ay ang “Kay Tagal Kang Hinintay” (1998) nina Rico Yan at Judy Ann Santos, “Labs Kita, Okay Ka Lang” (1998) starring Marvin Agustin and Jolina Magdangal, “Anak” (2000) nina Vilma Santos at Claudine Barretto.”

Sabi namin, Rory Quintos baby pala siya dahil pawang mga pelikula nito ang mga nagawa niya bukod pa kay Direk Jerry Sineneng, “Ang nanay ko talaga si direk Jerry, then si direk Rory tapos nag-creative assistant ako kay Inang (Olive Lamasan),” kuwento ni direk Benedict. Nasubukan din ni direk Benedict ang maging Kapuso at Kapatid.

Sa ngayon ay kunektado sa Dreamscape Entertainment si Direk Benedict pero gusto niyang maging line producer ng mga pelikula, “May mga nagpapayo sa akin na ituloy ko nga itong paggawa ng pelikula at piliin ko ang mga project ko na tama naman kasi hindi naman biro ang gastos sa paggastos ng pelikula. Midlife crisis nga, gusto kong bumalik sa passion ko.”

q q q

Nabutas din daw ang bulsa niya sa pelikulang “ML”, “Kaming mag-asawa ang producer dito, siya (sabay turo sa magandang misis), kaya sana makabawi kami.”

Mabuti na lang daw ang mga nakuhang tao ni direk Benedict sa pelikula ay pawang mga kaibigan kaya napakiusapan niya lahat. Ipinagmalaki rin ng direktor na halos lahat daw ng nakapanood na ng “ML” ay nagandahan at iisa ang sinasabi, masyado raw itong bayolente.

“Basta panoorin n’yo ‘te Regs, magugulat ka. It looks like a commercial foreign film and we did this for seven days and a half with all the tortures and actions. Feeling ko kami ang pinakamahirap sa lahat ng entries,” kuwento ni direk Benedict.

Kinailangan daw nilang iklian ang shooting days dahil sa budget pero hindi naman halatang pitong araw lang dahil sa magandang resulta nito. Ilang araw lang ang Cinemalaya, sa tingin ba ni direk Benedict, mababawi nilang mag-asawa ang pinuhunan nila sa “ML”?

“Ah dito, hindi (mababawi) kaya nga nakikiusap kami na sana mapanood ito ng mas nakararami, ang hinahabol namin ay mapanood ito ng millennials. Target namin ay R-16 sa MTRCB kasi madugo, eh, kaya hindi kaya sa R-13,” paliwanag ni direk. Dagdag pa, “Lahat ng torture scenes dito based on research ‘te Regs.”

Tinanong din namin kung bakit si Tony Labrusca ang napili nila gayung umabot sa 43 actors ang nag-audition, “Maraming magaling sa mga nag-audition kaso lahat halos may problema sa schedule kasi may mga ginagawang teleserye at pelikula. Halos lahat iyon ang naging problema kaya medyo nahirapan kami.

“Tapos nakita namin si Tony, hindi siya nag-audition. Handpicked namin siya kasi sa kanya namin nakita ‘yung alpha male, ang ganda ng tindig at alam mong may dignidad. Ang hirap kasing maghanap ng millennial na may dignidad. Si Tony bago inikutan namin talaga, nag-meeting ng ilang beses. For us, Tony is perfect for the role,” kuwento ng direktor.

Suspense-thriller ang “ML”, “Target namin ay R-16 sa MTRCB kasi madugo, eh, kaya hindi kaya sa R-13,” paliwanag ni direk. Dagdag pa, “Lahat ng torture scenes dito based on research ‘te Regs.”Basta pag napanood ninyo, walang dull moment. Halos lahat ng nakapanood sobrang nagandahan. Sabi nga ng mga nakapanood, ‘so scary!’ Entertaining ito, kaya talagang hinahabol namin ang commercial release kasi for millennials,” say pa ni direk Benedict.

Hmmmm, curious tuloy kaming mapanood ang “ML” sa gala night nito sa Agosto 5, Linggo sa CCP Theater.

Read more...