Pauline nabili ang dream car dahil sa Kambal, Karibal

BUKOD sa dumaraming fans na 24/7 kung sumuporta at magmahal sa kanya, may isa na namang matatawag na achievement ang Kapuso young actress na si Pauline Mendoza.

Nang dahil sa big break na natanggap niya sa Kapuso seryeng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad, nabili na niya sa wakas ang kanyang dream car na matagal na niyang pinag-iipunan.

Para sa dalaga, dream come true ang mabili at makasakay sa kanyang bagong sasakyan. Aniya, ito ang unang kotse na nabili niya mula sa sarili niyang ipon. Naiinis man ang mga manonood sa karakter niya bilang si Crisel sa pinag-uusapan pa ring Kambal Karibal, nagpadala pa rin ng magaganda at positibong mensahe sa kanya ang mga netizens.

Ilan nga sa mga ito ay nagsabing #goals ang pinaiiral ngayon ng dalaga dahil isa siyang magandang ehemplo ng isang determinadong millennial na gagawin ang lahat para ma-achieve ang pangarap.

Samantala, patuloy na subaybayan ang Kambal Karibal dahil napakarami pang inihandang pasabog ng nangungunang teleserye ng GMA sa primetime sa nalalapit na pagtatapos nito.

Abangan ang marami pang shocking na eksena nina Pauline, Kyline Alcantara, Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa mga susunod na episode ng KK dahil tiyak na hindi n’yo kakayanin ang mga bagong twist and turn sa kuwento.

Read more...