Kris sinagot ang tanong ng mga netizen na: May chance ba na maging kayo ni Willie?

KRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME

Muling tinukso ng ilang netizens sina Kris Aquino at Willie Revillame. Nagsimula ito nang mag-post ang Queen of Social Media ng mga litrato nila ng TV host-comedian kasama ang anak na si Joshua.

Dinalaw kasi ni Willie si Josh sa bahay ni Kris kamakailan matapos itong ma-confine sa ospital nang ilang araw. Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Kris sa pagdalaw ni Willie dahil napaligaya raw talaga nito nang husto ang panganay na anak.

Sa isang video na ipinost ni Kris sa IG mapapanood kung gaano ka-happy si Joshua nang makita ang kanyang Tito Wil. Binigyan ng TV host ang anak ni Kris ng kanyang album at jacket at ipinasyal pa gamit ang kanyang Ferrari.

Mensahe nga ni Kris, “My life may seem complicated, but I’m not. Mahalin ang mga anak ko, paligayahin sila, super happy na ako… ‘Pag may kabutihang pinakita sa mga pinakamamahal ko, I’m yours. Binigyan ni Tito Willie si Kuya Josh ng oras at importansya. In my book, Willie Revillame is a man worthy of my true gratitude and respect.”

At dahil dito, isang IG follower ni Kris ang nagtanong ng, “May chance ba Ms. Kris? Bagay kayo.”
Tugon ni Kris, “I need to be at the airport at 7:30 AM – tapusin na natin ‘to. I’m 47, he is 58 – siguro awat na kami. #satruelang.”

Isa pang netizen ang nag-commet ng, “Mabuti pa miss [Kris] kau na lang ni [Willie].” Na sinagot naman ng mama nina Josh at Bimby ng, “Alam mo kayo talaga. Siguro gusto nyong mabulabog ang [Pilipinas]. Sa edad namin – awat na kami. #satruelang.”

Pero ang sigurado ay muling magsasanib-pwersa sina Kris at Willie para sa isang malaking proyekto na pinaplantsa na ngayon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit personal na nakipagkita ang TV host kay Kris sa mismong bahay ng Social Media Queen.

Wala pang detalyeng inilalabas ang magkabilang kampo tungkol sa gagawin nilang kolaborasyon, pero siguradong ikatutuwa raw ito ng kanilang respective fans and followers kaya wait na lang tayo.

Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay nasa Indonesia pa si Kris para sa shoot ng bago niyang endorsement.

Mismong ang may-ari at CEO ng SidoMuncul (isang kilalang kumpanya sa Indonesia) na si Mr. Irwan Hidayat ang pumili kay Kris para maging endorser ng isa nilang produkto.

“They own according to Forbes.com Indonesia’s largest herbal medicine company. His grandmother started their company in 1951,” ang bahagi ng caption ni Kris sa kanyang IG video na kinunan sa isang lugar sa Indonesia na pag-aari nina Mr. Hidayat.

Read more...