Robredo rating bumaba-SWS

BAHAGYANG bumaba ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa 34 porsyento noong Marso, nakakuha si Robredo ng 32 net satisfaction rating—54 porsyentong satisfied, 22 porsyentong dissatisfied at 22 porsyentong undecided.

Sa kanyang unang pagsalang sa survey bilang Senate President, nakakuha naman ni Sen. Tito Sotto III ng 54 porsyentong net rating—67 porsyentong satisfied, 12 porsyentong dissatisfied at 20 porsyentong undecided.

Tumaas naman si Speaker Pantaleon Alvarez na nakakuha ng 8 porsyento—31 satisfied, 23 dissatisfied at 37 undecided. Natanggal na si Alvarez bilang speaker ng Kamara de Representantes at pinalitan ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Si Acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio ay nakapagtala naman ng 11 porsyentong net rating—32 satisfied, 21 dissatisfied at 38 undecided.

Ang survey ay ginawa mula Hunyo 27-30. Kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...