Horoscope July 26, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang araw na ilalagay ng langit sa iyong mga kamay ang tagumpay. Wala kang dapat gawin kundi kumilos ng kumilos. Tiyak na ang magaganap, lahat ng pangarap at inaambisyon mo sa buhay ay isa-isa ng matutupad. Mapalad ang 2, 7, 14, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om”. Green at yellow ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Ang maliit na kinikita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan, basta’t manalig ka lang sa iyong husay at ang isa pang mahalaga, manatili kang naka-smile. Sa pag-ibig, mamayang gabi paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng masarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 12, 18, 27, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-El-Shaddai.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kung ang iba ay nagpapakasipag upang umangat ang kabuhayan, ang sa iyo ay kakaiba, basta’t magpaganda ka lang, tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magtatapos ng magdamag habang bumubuhos ang malakas na ulan. Mapalad ang 6, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Blue at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — May message sa cell phone, may hatid na magandang balita. Pinapakuha na sa iyo ang perang matagal mo ng hinihintay! Sa pag-ibig, kunwari lang na nagseselos ang kasuyo pero ang totoo naman nito ay mahal na mahal ka naman niya talaga. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Aspera-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig, ibulalas ang lihim na pagtingin sa isang Scorpio. Sa pinansiyal, singilin ang mga kaibigang may mga pagkakautang, dahil kung hindi mo sila sisingilin, wala talaga silang balak na magsipagbayad. Mapalad ang 2, 7, 13, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Una-Om.” Violet at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Magisip ng mga planong mas malaki sa pangkaraniwan upang makamit mo na ang iyong inaambisyon at matagal ng pangarap sa buhay. Ika nga, “Think big!” at umpisahan mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag nanatili kang duwag, hindi ka magiging maligaya. Mapalad ang 6, 19, 27, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Audaces-Fortuna-Om.” White at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung lagi kang nakikipag-debate, paano papasok ang maraming pera? Umoo ka lang ng umoo sa mga kausap. Sa pag-ibig, hayaang ang ideya naman ng kasuyo ang masunod. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Violet at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Yayain ang kasuyo sa isang medyo class na restaurant. Sa pinansiyal, tulad ng pagka-sabik sa mga pagkaing masasarap, ganon din ang dapat na paghahangad upang yumaman. Mapalad ang 3, 9, 18, 33, 39, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Krishnaya-Namahaya-Om.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Isang malapit na kaibigan ang makatutulong upang masolusyunan ang mga problemang may kaugnayan sa pinansyal. Sa pag-ibig, alalay lang ang gawing paguutos sa minamahal, baka makahalata na siya na masyado mo siyang dinodominahan. Mapalad ang 2, 18, 23, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Green at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pinansyal at pag-ibig, pagsapit na pagsapit ng buwan ng Agosto, papabor na sa iyo ang mga pangyayari at mabuting kapalaran. Basta’t lagi mo lang bigkasin ang mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Pink at blue ang buenas. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 42 at 47
Capricorn – (December 22 – January 19) — Panatiliin ang pagiging optimista. Ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala ang sangkap upang magtagal at manatiling matatag ang gumegewang na relasyon. Mapalad ang 8, 17, 26, 38, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om” Yellow at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang wag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal. Mapalad ang 8, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Black at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sariling puhunan ang dapat, at sa pagsisimula ng negosyo, wag na wag mangungutang dahil mababaon ka lang. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang future ng iyong pamilya at kung saan magandang mamamasyal sa summer 2019. Mapalad ang 2, 16, 31, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” White at maroon ang buenas.

Read more...