Cha-cha nasa Senado na—GMA

PRAYORIDAD ng Kamara ang Charter change sa ilalim ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Pero sinabi ni Arroyo na nasa Senado na kung babaguhin ang Konstitusyon sa ilalim ng Constituent Assembly.

“It is a priority of course but right now we are also done with the house resolution call Constituent Assembly requires two Houses so the (ball is now) in the Senate,” ani Arroyo sa panayam.

Ito ay taliwas sa posisyon ng pinalitan ni Arroyo na si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na maaaring mag-Con-Ass kahit na wala ang Senado.

Noong Enero ay inaprubahan ng Kamara ang House Concurrent Resolution 9 na nagpapatawag sa mga senador at kongresista upang mag-convene bilang Con-Ass para amyendahan ang Saligang Batas.

Read more...