Nganga: Bashers na nagsabing bilang na ang araw ni Maine sa showbiz supalpal

MAINE MENDOZA

THE long wait is over! Ngayong araw na ito ang launching ng shade of lipstick na tinimpla mismo ni Maine Mendoza para sa isang international brand of cosmetics sa Mall of Asia Atrium.

Matatandaang isa si Meng sa napili ng brand kasama ang ilang influencers mula sa iba’t ibang bansa para gumawa ng sariling lipstick nitong mga unang buwan ng taon sa Toronto, Canada.

Sa Instagram account ng manager ni Meng na si Rams David na nasa Amerika ngayon para dumalo sa isang comicon event, kanyang ni-regram ang post sa IG ng brand sa event para na rin ma-meet si Maine.

Isagawa lang ang tatlong steps para maging bahagi ng event. 1) Bumili ng MAC product sa Mac store dated July 26; 2) Be part of the first 100 to present your receipt at the venue; 3) Follow @maccosmeticsph on Instagram and enjoy.

Nganga naman ang mga haters ni Maine na nagsabing bilang na ang mga araw ng dalaga sa showbiz pati na sa pagiging number one endorser ng kanyang henerasyon dahil si Maine na ang nagsabi na wala siyang balak mag-quit sa trabahong minahal na niya nang buong puso.

Read more...