NAGKAKABIRUAN ngayon ang mga personalidad na dating nakakasama ng isang kilalang male personality sa kanyang mga pelikula. Weder-weder lang daw ‘yan.
Magkakaroon na naman daw ng career ang lalaking personalidad dahil maaliwalas na naman ang mundo ng kanilang pamilya. Makababalik na naman daw sa paggawa ng mga proyekto ang male personality.
Kuwento ng isang source, “Nu’ng nagkuwentuhan ang isang magkakatropang artista, e, naging topic nila si ____ (pangalan ng kilalang male personality). Kasi nga, may bagong ganap sa family nila, di ba?
“Kung lumubog ang araw nu’n para sa kanila, aba, bigla namang nagliwanag na ang mundo nila uli ngayon, dahil bumibida na uli si mommy! Naku, siguradong magbabalik-pelikula na ang guy, makikipagbarilan at makikipagsuntukan na uli siya ngayon!
“Buhay na buhay na naman ang career niya, promise!” simulang chika ng aming impormante habang nakataas ang kilay sa tenth floor.
Naunsiyami ang movie career ng male personality dahil sa dami ng problemang kinaharap nu’n ng kanilang pamilya. Niligalig ng mga kaso ang mga magulang ng aktor.
“Tingnan mo nga naman. Talagang hindi tayo dapat nawawalan ng pag-asa sa buhay. Matagal nang naging problemado ang family nila, tingnan n’yo naman ngayon, naka-enter the dragon uli ang madir niya!
“Ibig lang sabihin nu’n, e, palaging laganap ang hope habang nabubuhay tayo. Nakabalikwas uli ang mommy niya at heto, kinabog pa niya ang isang nakaupong pulitiko!” makabuluhan uling kuwento ng aming source.
Magandang balita kung magbabalik-pelikula na nga ang male personality dahil maraming taga-industriya na naman ang magkakaroon ng trabaho. Mas maraming gumagawa ng pelikula ay mas maganda para sa mga artistang walang pinagkakaabalahan.
“Action pa naman ang linya ni ____ (ang male personality), kaya maraming action stars at kontrabida na naman ang magkakaroon ng trabaho.
“Panalo ‘yun! Buhay na buhay na naman ang career ng mga character actors, magbalik na nga sana uli si churva na kakambal ni mouse ang name!” nagkokomedya pang kuwento ng aming impormante.
Kailangan n’yo pa ba naman ng clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Wala na, pasok na sa banga ang mga detalye, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.