Angelica nagkasakit na nga binanatan pa ng mga hater, pati si John Lloyd nadamay

BAGSAK ang katawan ni Angelica Panganiban. Nagkasakit ang magandang aktres na minsan ding nangarap na siya si Wonder Woman na hindi kayang pabagsakin ng anuman.

Sunud-sunod kasi ang kanyang trabaho, halos wala na siyang tulog at pahinga, naubos ang kanyang lakas kaya isang umaga ay nakaramdam na siya ng panghihina ng katawan.

Natural, hindi naman lahat ay makakaunawa sa kanyang sitwasyon, sa halip na pakisimpatyahan siya ng iba ay bina-bash pa siya. Tantanan na raw kasi niya ang pagpaparinig kay John Lloyd Cruz para hindi siya nagkakasakit.

Nanghina lang, si JLC na agad ang dahilan, hindi ba puwedeng naubos lang ang nakareserba niyang energy kaya kailangan niyang magpagaling?

Matagal na panahon nang nakapag-move-on si Angelica mula sa hiwalayan nila ni Lloydie, tanggap na niya ang relasyon ng aktor at ni Ellen Adarna, alangan namang magmukmok siya sa isang sulok at umasa pa rin sa pagbabalikan nila ni JLC?

Ang kailangan ngayon ni Angelica ay sapat na panahon para sa kanyang sarili.

Magtira naman siya para sa kanyang katawan na batak na batak na sa sobrang pagtatrabaho.

Iisa lang ang ating katawan. ‘Yun dapat ang maging prayoridad ng magandang aktres bago ang kahit ano.

Read more...