Ito ang sinasabing pahayag ni Pangulong Duterte sa kasagsagan ng kudeta sa Kamara bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
Nagbigay pa ng detalye sa Senate President Vicente “Tito” Sotto kaugnay ng nangyaring pagkilos sa Kamara na nagresulta sa pagkakasibak kay dating Speaker Pantaleon Alvarez.
Sinabi ni Sotto na pinapanood nila ang nangyaring takeover ni Arroyo habang nasa rostrum bago ang SONA ni Duterte.
Idinagdag ni Sotto na inatasan ni Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na makipag-usap sa grupo ni Arroyo.
Sinamahan si Medialdea ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri para makipag-usap sa kampo ni Arroyo.
“I will inform my colleagues,” sagot umano ni Arroyo.
“Maya-maya nang konti, sabi ni Presidente, papuntahin mo na dito, kausapin ko sya,” dagdag ni Sotto, na ang tinutukoy ay si Arroyo.
Ayon pa kay Sotto, nagkaroon ng one-on-one talk sina Duterte at Arroyo na tumagal ng ilang minuto.
“Oo, ayusin daw nya,” sabi ni Duterte nang tanungin si Sotto kung ano ang nangyari sa pag-uusap ng pangulo at ni Arroyo.
“Sabihin nyo mag-walk out ako pag di nila tinapos ito,” banta pa ni Duterte.