NIYANIG ng magnitude 4.1 na lindol ang Davao Occidental ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol ala-1:19 ng hapon.
Ang sentro nito ay 110 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 14 kilometro.
Binabantayan ng Phivolcs ang lindol sa dagat dahil maaari itong magdulot ng tsunami o pagtaas ng mga alon.
Walang inaasahang aftershock at pinsala ang lindol na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending