P1.3B naitalang pinsala ng mga pag-ulan dulot ng Habagat, 3 bagyo-NDRRMC

 

UMABOT na sa P1.3 bilyon ang pinsalang dulot ng walang tigil na malalakas pag-ulan dulot ng Hanging Habagat at ng tatlong bagyo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). 

Ito’y magdulot naman ng malawakang pagbaha sa Luzon at Visayas ang malalakas na mga pag-ulan bunsod ng bagyong Henry, Inday at Josie.

Sa isang ulat mula sa NDRRMC, sinabi nito na umabot na sa kabuuang P1,377,090,104.90 halaga ang napinsala sa pitong apektadong mga rehiyon.

Idinagdag pa ng NDRRMC na umabot P480.4 milyoj ang iniulat na pinsala sa imprastraktura at P896.7 milyon sa agrikultura.

Kabilang sa mga napinsalang rehiyon ay Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera Administrative Region, at Western Visayas. Inquirer.net

Read more...