Anak ni Kris biktima ng fake news

Kumalat sa social media ang isang fake news na ‘namatay’ daw ang anak ni Kris Aquino na si Joshua dahil sa cancer.

Isang link ang shinare ng isang netizen na may title na ‘PANOORIN: Huling Sandali ng Anak ni Kris Aquino na si Joshua Bago Namtay dahil sa Cancer.

Ang isang post naman ang may title na Anak ni Kris Aquino na si Joshua Aquino Namatay Dahil sa Cancer.

Pero halata namang fake news lang ito dahil ayon sa recent post ni Kris ay magaling na ang kanyang anak.

Nagpost pa si Tetay ng pagbisita ng kaibigan si Willie Revillame sa kanyang anak.

Read more...