Mga Laro Bukas
(EAC Gym)
2 p.m. Perpetual Help vs EAC (jrs)
4 p.m. Perpetual Help vs EAC (srs)
Team Standings: Lyceum (4-0); San Beda (2-0); San Sebastian (2-2); Arellano (1-1); Perpetual Help (1-1); Mapua (1-1); Letran (1-1); St. Benilde (1-2); EAC (0-2); JRU (0-3)NAAGAPAN ng wala pang talong Lyceum of the Philippines University ang maagang ratsada ng Arellano University para manaig, 82-65, at malasap ang ikaapat na diretsong panalo sa NCAA Season 94 kahapon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.
Pinamunuan ni CJ Perez ang pamamayagpag ng Pirates sa paghulog ng 22 sa kanyang career best 31 puntos sa second half ng labanan upang mabura ng Lyceum ang 16 puntos (33-17) na kalamangan ng Chiefs sa first quarter.
Nagdagdag ang 2017 NCAA MVP ng anim na assists, anim na rebounds at limang steals habang nagdagdag naman si Mike Nzeusseu ng 15 puntos, 11 rebounds at tatlong blocks para sa Lyceum.
Ito ang unang kabiguan ng Arellano sa dalawang laban.
Nanatili ring walang bahid ang back-to-back champion San Beda College matapos na tambakan ang College of St. Benilde, 82-65, kahapon.
Sumandal naman ang San Sebastian sa 16 puntos ni Alvin Capobres para padapain ang Jose Rizal University, 86-76. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.